Sunday, March 20, 2011

HAWLA

tulad ng isang ibon, tao din ay lumilipad…
“Ano ba, patayin mo nga ‘yang radyo!”
“Bakit, ano ba ang pakialam mo?”
“Ayokong marinig ang pagiging madrama mo!”
“Oo, iyang pagiging madrama ko ang dahilan kung bakit tayo maghihiwalay ngayon!”
“Hindi ko kailangan ng dahilan.”
            Sandaling katahimikan. Nagsindi ng sigarilyo.
“Sige, patayin mo ‘yang sarili mo sa sigarilyo!”
”Kanina. Iyong radyo, ngayon naman ito…”
“Nangako ka na ititigil mo na ‘yan, pero tulad ng iba mo pang pangako, ‘di mo ‘din iyon tinupad…”
“Tama na…”
“Puro ka pangako, puro salita!”
“Ano ba, sabi ng tama na!”
“You have no right to shout at me, hiwalay na tayo!”
“And you have no right to tell me what to do dahil  hiwalay na nga tayo!”
            katahimikan. Lumapit. Nagyakapan. Ngunit agad ding umiwas.
“Tama na, ayoko na.”
“Talaga bang pagod ka na?”
“Oo.”
“Saan? Sa Akin? Sa sigarilyo? Sa alak? Sa drama? Sa….’
“Sa relasyon natin!”
“Hindi mo kailangang sumigaw.”
“Minsan, kailangan mong sumigaw.”
“Para saan?”
”Hindi para saan, para kanino.”
“Para sa iyo?”
“Oo,bakit hindi?”
“Ano ang gusto mong isigaw ko?”
“Kahit ano, murahin mo ako, sumbatan mo ako, kahit ano.”
“Kapag ginawa ko ba iyon, hindi ka na aalis?”
Katahimikan. Naglakad. Kinuha ang paboritong libro ni Lawrence Sanders at inilagay sa loob ng maleta. Nag impake. Nagmasid.
“Saan ka pupunta?”
“You don’t want to know.”
“Of course I want to know.”
“Bakit pa?”
“Five years.. it gave me the right to know.”
“It’s over.”
“Alam ko….”
“Hindi na natin maaayos pa ito.”
“Alam ko..”
“Kailangan na natin pakawalan ang isa’t-isa.”
“Alam ko.”
“Napakadami mo namang alam.”
“Bakit, ngayon mo lang nalaman?”
“Don’t be so sarcastic.”
“And don’t be so cruel.’
“Akala mo marami kang alam, pero ang totoo, wala!”
“Siguro nga, wala akong alam, bukod sa mahalin ka…”
“Stop it!”
“Hindi mo na ba ako mahal?”
“I said, stop it!”
“Sabihin mong hindi mo na ako mahal!”
”Hindi na kita mahal!”
“Bakit kailangan mong sumigaw? Para itago ang totoo?”
“Stop it!”
            Galit na ibinalibag ang maleta. Naupo sa gilid ng kama. Nagpigil ng iyak.
“Hindi na ba natin maaayos ito?”
“Hindi na.”
“So this is the saddest part of the play?”
“Wala tayo sa isang play, hindi ito scripted, hindi natin ito ni rehearse, walang curtain na bubukas at babagsak, walang palakpakan ng mga audience, because this is not a play nor one of your stupid and dramatic stories. This is for real!”
“Then how come, we’re not for real?”
”Shut up!”
“Kung tingin mo ito ang pinakamabuti sa iyo, sige, iwan mo ako, hindi kita pipigilan.”
“Kailan mo ba ako pinigilan?”
“Bakit, kapag pinigilan ba kita hindi ka na aalis?”
            Katahimikan. Mahihinang buntong hininga.
“Sino nga ba ang may kasalanan?”
“Pwede naman tayong maghiwalay na walang sisihan, walang masasakit na salita,walang duruan.”
“At walang dahilan.”
“Alam mo na may dahilan.”
“Ano, ang mga short comings ko, ang bisyo ko, ang pagiging dreamer ko?”
“Ikaw ang hindi tumupad sa mga pangako mo.”
“Akala ko ba walang sisihan?”
“I’m sorry.”
“Hindi ko tinupad ang mga pangarap nating dalawa.”
“Tama na.”
“Ano ang plano mo ngayon?”
“Magpapakasal na kami ni Jerry next month.”
“Alam ko, bumalik ka lang dito para kunin ang gamit mo.”
“I’m sorry.”
“No, don’t feel sorry for me. I’m sorry dahil naging duwag ako. Kailangan mo nang pagbabago sa relasyon natin pero bulag ako. Hindi man lang kita….”
“Tama na.”
“Pero talagang mababaw ang pagmamahal natin sa isa’t-isa.”
“Nagsisimula ka na naman.”
“Ang gusto ko lang pakinggan mo ako.”
“Aalis na ako.”
            Kinuha ang maleta. Pinigilan. Muling naupo. Tumitig sa magkaibang direksyon ng kawalan.
“Kapag nagsasalita na ako, umiiwas ka. Iniiba mo ang usapan. Magagalit ka kapag hindi ako nagsalita, pero kapag sinimulan ko nang magpaliwanag, ipipilit mo parin kung ano ang pagkakaintindi mo.”
“Dahil sinungaling ka. Puro ka lang salita. Puro pangako.”
“You know that I’m not that strong…”
“Oo alam ko!”
“There are times that I want you to be strong for me.”
“You know that I can’t always be strong for you.”
“I just needed your help.”
“Ano ba ang gusto mong palabasin? Nagtiis ako, naghintay ako sa pagbabago mo. Gusto kong matuto kang mangarap, dahil hindi tayo puwedeng mabuhay na puro pag-ibig lang. I want you to grow for me, grow with me, pero nanatili ka diyan sa kalungkutan mong hindi ko maintindihan.”
“At hindi kita kayang pakasalan.”
“Bahala ka sa gusto mong isipin, aalis ako, hindi dahil sa mga short comings mo, aalis ako dahil gusto kong mag-isip ka.”
“Pero hindi ka na babalik ‘di ba?”
            Walang sagot.
“Please don’t make it hard for me.”
“It’s not that easy. Hindi kita kayang pakawalan.”
“But I want you to let me go.”
            Parehong napangiti. Pilit. Mapait.
“Noon, madalas kong iniimagine na isa kang ibon o kaya’y isang tutubi. Gustong gusto kitang hulihin at ikulong at alagaan at mahalin. Lumipad ka palapit sa akin, hinuli kita, ikinulong kita, inalagaan kita at minahal. Pero hindi ko iniisip na kailangan mo din palang lumaya para magkaroon ng saysay ang iyong mga pakpak. May mga bagay na nakatadhanang panoorin mo na lamang sa malayo, ‘di dapat ikulong.”
“Thank you.”
“For what?”
“Sa lahat.”
“Thank you din.”
“You’re welcome.”
“Is this really goodbye?”
“Naghihintay na sa akin si Jerry sa gate.”
“Is there no way for you to change your mind?”
“I’m sorry but I have to go.”
“Is that your final word?”
“I think so…”
“Wala man lang goodbye, walang I love you…?”
“Aalis na ako…”
“Where do I go from here?”
“I don’t know.”
            Muling katahimikan. Tumingin sa sarili sa salamin. Inayos ang buhok at damit. Kinuha ang bag. Naghanda sa pag-alis.
“You know what. I maybe a fool to let you go, nagkamali ako nung hindi ko tinupad ang lahat ng pangako ko sa iyo. Pero mayroon akong isang pangako sa iyo na tinupad ko, at tutuparin ko parin kahit na hiwalay na tayo. Kahit na may mahal ka ng iba.”
            Walang sagot. Nakatitig sa isa’t isa.
“Hindi mo ba itatanong kung ano iyon?”
“Ano iyon?”
“Ang mahalin ka nang buong buo.”
            Mabilis na tumalikod. Lumabas ng pinto. Tumunog ang makina ng kotse. Naiwang mag-isa. Nagsindi ng sigarilyo. Uminom ng alak. Lumuha. Nakinig ng radyo.
…tulad ng isang ibon, tao ‘din ay lumilipad…
Tags:

No comments:

Post a Comment